Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Mag-ina tinangay ng baha habang naghihintay sa padre-de-pamilya; anak nasawi



 Halos madurog ang puso ng inang si Roche Inabore matapos masawi sa bahang dulot ng bagyong Ulysses sa Barangay Tumana, Marikina ang kaniyang dalawang taong gulang na anak.


Ayon kay Roche, magkasama nilang hinihintay ng kaniyang anak ang kanilang padre-de-pamilya na unang inilikas ang 10-taong-gulang pa nilang anak papunta sa kabilang bahagi ng sapa.


Habang naghihintay, unti-unti ring tumataas ang lebel ng tubig hanggang sa bumigay ang kawayan na kanilang kinatutuntungan.


Dahil dito, natangay ng baha at nagkahiwalay ang mag-ina. Sa kasamaang palad, tanging si Roche lamang ang nakaligtas.


"Sobrang sakit kasi ginawa ko ang lahat para mailigtas lang siya e. Sabi ko kung puwede nga lang, ako na lang e," pagdadalamhati ni Roche.


Base sa ulat ng GMA News "24 Oras," natagpuan na ang labi ng bata na halos hindi na makilala dahil sa putik na bumabalot sa buo nitong katawan.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive