Isang OFW sa Taiwan ang positive sa COVID-19 ngunit siya ay asymtomatic ng dumating ito sa bansa para magtrabaho. Sa kasamaang palad, nais iterminate ng kanyang broker ang kontrata at pauwiin sa dahilang baka bumalik daw ang sakit nito.
Narito ang istorya mula kay kabayan na tatawagin nating "Jo":
"Hello po, may tanong lang po ako kung sino po ang naka experience nang pareho sa akin, pag dating ko po ng taiwan. Nag asymptomatic positive po ako at na hospital po ako, pero ngayun naka labas na ako ng hospital at magaling na po ako sa covid, dahil asymptomatic lang po ako."
"Pero sad to say sinabihan ako ng broker ko nga yung employer ko po ay mag ba back out na daw po at papauwiin nalang ako ng pinas baka daw bumalik yung covid ko, pero nag medical napo ako dito at naka perma napo ako ng contract ko po sa employer ko, sobrang napanghinaan na ako ng loob kase akala ko wala na akong problema dahil gumaling na ako sa covid at makaka pag trabaho na."
"May posible po ba yun na pwedeng mag back out ang employer even though naka sign na ako ng contract at na discharge na ako sa hospital dahil gumaling na ako sa covid? May ARC na din po ako."
"Pero yun nga po, papauwiin na daw po ako. May same case po ba sakin dito? Salamat po."
(Photo for illustrative purpose only, CNA photo)
Noong nag positive ka maam.... ilang araw mo sa hospital?
ReplyDeleteSad to say, may same case po kayo na pinauwi din sa pinas after nya gumaling sa Covid.
ReplyDelete