Isang overseas Filipino worker ang mag-isang nakalikom nito lamang Miyerkules (Nobyembre 18) ng NT$40,000 o mahigit Php70,000 para sa mga kapwa Pilipino na nabiktima ng bagyong Ulysses sa Pilipinas.
Ayon kay Cara Purugganan na nagtatrabaho sa ASE Technology Holding Co. sa Kaoshiung, kaantabay niya sa kaniyang mabuting gawa ang ComPass, isang nonprofit organization sa Pilipinas na layon ding tumulong sa mga naapektuhan ng bagyo.
Dagdag niya, simula nang i-post niya sa Facebook ang kaniyang fundraising campaign, marami ang kusang nagpaabot ng tulong kabilang na ang kaniyang mga kaibigan, katrabaho, at mga kapitbahay, Pilipino man o Taiwanese.
Lahat ng perang nalikom ng Pinay ay ipinadala niya sa ComPass para sa kanilang project "Bayong of Hope."
Nakatakdang mamahagi ng mga bayong ang organisasyon sa Cagayan, Isabela, at Nueva Vizcaya. Bawat bayong ay naglalaman ng limang kilong bigas, 12 sardinas, 12 corned beef, 12 sachets ng hot chocolate mix, 12 pakete ng instant noodles, isang kahon ng face masks, isang bote ng rubbing alcohol, dalawang sabon, isang flashlight na may mga baterya, isang timba, at isang kumot.
No comments:
Post a Comment