Mahirap mang paniwalaan, ngunit marami ang nagtatagumpay na maabot ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng pagtitiyaga at pagtitiwala sa sariling kakayahan sa kabila ng mga hamon sa buhay.
Tulad na lamang ni Jonny Viray, dating kargador na nakapagtapos bilang guro at ngayon ay Doctor of Education na.
Kwento ni Viray, ipinanganak siya sa isang mahirap na pamilya na ni minsan ay hindi nakatikim ng masasarap na pagkain kahit pa pansit sa mga espesyal na okasyon gaya ng birthday o graduation.
Sa katunayan, halos wala ng makain ang kanilang pamilya sa araw-araw dahilan upang maisipan niya na tumigil na lamang sa pagpasok sa paaralan dahil sa takot na mawalan ng malay nang dahil sa gutom.
Mabuti na lamang at mayroong isang guro na naghimok sa kaniya na ipagpatuloy ang kaniyang nasimulan. Dito na niya napagdesisyunan na pumasok bilang kargador upang makapasok sa kolehiyo.
Mahirap man noong una, ngunit nalampasan naman ni Viray ang napakalaking hamon ng kaniyang buhay at ngayon ay tinatamasa na ang rurok ng tagumpay.
No comments:
Post a Comment