Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Residente, natabunan ng putik mula sa Mayon dahil sa hagupit ng bagyong Rolly


 

Bukod sa mga bahay at iba pang ari-arian, isang residente rin ang namataang natabunan ng putik sa Rapu Rapu, Guinobatan, Albay dahil sa bagyong Rolly.


Ang putik ay galing sa bulkang Mayon na rumagasa dahil sa malakas na pag-ulang dala ng bagyo.


Sa larawang ibinahagi ng netizen na si Jo Soliman, makikitang braso at buhok na lamang ang nakalitaw sa  mistulang lalaki na natabunan ng putik.


Una ng nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa posibleng lahar at mudflow sa probinsiya ng Albay dahil sa tindi ng bagyo.


Hinikayat naman umanong lumikas ang mga residente ngunit takot ang karamihan na mahawa sa COVID-19 sa  dami ng tao sa evacuation center.


Sa Albay nag-landfall ang bagyong Rolly kung kaya itinaas ang alarma rito sa signal no. 4.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive