Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Sanggol, inilagay sa palanggana para makaligtas sa baha sa Cagayan


Upang mailigtas sa bahang dulot ng bagyong Ulysses, inilagay ng isang ina ang tatlong buwang gulang nitong sanggol sa palanggana habang sila ay lumilikas mula sa kanilang tahanan sa Lal-lo, Cagayan.


Kwento ni Romelyn Tabalno, 25-anyos,  bigla na lamang daw tumaas hanggang leeg ang lebel ng tubig-baha sa kanilang lugar kung kaya minabuti nilang lumikas.


Subalit, dahil sa pangambang mabitawan niya ang kaniyang anak na si Ayla Erin Agnes, inilagay niya ito sa isang palanggana habang sinusuong ang baha.


"Tahimik s'ya. Sobrang bait nung nasa palanggana. Baka po kasi mabasa or mabitawan po namin s'ya kaya nilagay po namin sa palanggana. 'Yun lang po naisip naming paraan para maging safe si baby," sabi ni Romelyn.


Ligtas namang nakalikas ang mag-ina at kasalukuyan sila ngayong naninirahan sa kubo ng kaniyang biyenan na nakatirik sa mataas na bahagi ng Cagayan.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive