Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Tindera ng saging, arestado sa pulisya dahil sa pagiging tsimosa


 Arestado ang isang tindera ng saging sa Bantayan, Cebu matapos itong ireklamo dahil sa kaniyang maling pagpapakalat  ng impormasyon at paninirang puri sa kapwa gamit ang social media.


Ayon sa isang Press Release ng Bantayan Police Station, inaresto ang babae matapos siyang ireklamo ng biktima na kaniyang sinisiraan sa pamamagitan ng Facebook Messenger.


Hindi malinaw sa publiko ang buong detalye kaugnay ng paninirang puri na ginawa ng suspek.


Gayunpaman, nahaharap ito ngayon sa kasong Cyber Libel na maaaring mahantong sa 12 taong pagkakakulong at pyansang P10,000.


Nagpaalala naman ang pulisya na maging responsable sa paggamit ng mga social media dahil mahigpit na ipinapatupad ng Hepe ng Bantayan Police ang pagdakip sa sinumang naninira ng kapwa at nagpapakalat ng maling balita.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive