Ibinenta ng TV host na si Willie Revillame ang kaniyang mamahaling sasakyan para lamang makatulong sa mga nabiktima ng bagyong Ulysses sa Montalban, Rizal at Marikina.
Sa kaniyang TV show na "Wowowin" noong Biyernes (Nobyembre 13), ipinaalam ni Kuya Wil na mabilisan niyang ibinebenta ang kaniyang Range Rover 2018 upang makapag-donate sa mga nasalanta ng bagyo.
Nang araw ding iyon ay naibenta niya ito sa halagang P7 million kahit pa ang orihinal na presyo ng sasakyan ay P12 million.
Ayon kay Kuya Wil, daragdagan niya pa ang nalikom na salapi ng P3 milyon mula sa kaniyang personal na ipon upang makapagbigay ng P5 million sa Montalban gayundin din sa Marikina.
“Aanhin ko ho ‘yung kotse kung marami akong kababayan na naghihirap? Kahit magbenta pa [ako] ng kahit anong pag-aari, pag-aari mo na hindi mo na kailangan. I think this is the right time,” saad ng TV host.
Paglilinaw niya, isanasapubliko niya ang kaniyang pagtulong nang sa gayon ay malaman ng mga tao na may nakalaang pera at tulong para sa kanilang lahat.
No comments:
Post a Comment