Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

2 Pinoy sa US na sangkot sa mga krimen nakatakda ng bitayin


 Dalawang Pilipino ang kasama sa 124 na dayuhang nakatakdang bitayin sa Amerika, base sa tala ng Death Penalty Information Center (DPIC).


Ang dalawang Pinoy ay kinilala bilang sina Sonny Enraca at Ralph Simon Jeremias  na kapwa ilang taon ng naninirahan sa nasabing bansa.


Nahaharap sa death penalty si Enraca dahil sa pamamaril at pagkamatay kay Dedrick Gobert, isang aktor na higit na nakilala sa kanyang supporting role sa pelikulang “Boyz N the Hood," noong Hulyo 23, 1999 sa Riverside County.


Ayon sa ulat ng mycrimelibrary.com, noong una ay itinanggi ni Enraca ang kaniyang pagkakasangkot sa krimen ngunit kalaunan ay umamin din nang siya ay maaresto.


Nahatulan din ng kamatayan si Jeremias dahil sa execution-style” na pamamaril kay Paul Stephens at Brian Hudson noon namang 2009.

Pinabulaan ni Jeremias ang mga paratang sa kaniya ngunit hindi ito umubra sa korte matapos tumestigo sa kaniyang nagawang krimen ang kaniyang dalawang kaibigan.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive