Marami ang naantig sa kwento ng amang si George mula Tiaong, Quezon, dahil sa kaniyang dedikasyon sa paghahanap-buhay maitaguyod lamang ang kaniyang pamilya sa kabila ng pinapasang kapansanan.
Si tatay George ay naglalako ng gulay sa kanilang lugar gamit ang kaniyang motorsiklo na may sidecar kahit pa siya ay baldado na.
Bata pa lamang si Tatay George ay dumanas na siya ng kasakitan lalo pa at halos walang kumalinga sa kaniya noong iwan siya ng kaniyang ina sa isang bangka.
Mabuti na lamang at nakita at kinupkop siya ng kaniyang lolo at lola. Ngunit nang siya ay mag-walong taon ay kinuha siya ng kaniyang ama kung saan nagsimula siyang makaranas ng pang-aabuso at sapilitang pagtatrabaho.
Sa labis na kasipagan ni Tatay George, napabayaan niya ang kaniyang sariling kalusugan. Ang simpleng lagnat na naranasan niya noon ay siya na palang mitsa ng kaniyang pagiging baldado.
Hindi man makalakad, nakatagpo pa rin ito ng mahal sa buhay na tumanggap sa kaniya nang buong-buo. Kung kaya hindi iniinda ni tatay George ang paghahanap-buhay maitaguyod lamang ang pamilya na nagmamahal sa kaniya.
No comments:
Post a Comment