Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Bata, isang linggo ng kumakain ng karton para maibsan ang gutom


 Para lang may mailaman sa kumakalam na sikmura, maging karton ay kinakain na ng isang 16 na taong gulang na binatilyo na na-spot-an ng isang netizen sa Sampaloc, Tanay.


Ayon kay Lenstien Hortal na siyang nagbahagi ng kwento, kumakain siya sa isang convenience store sa Sampaloc, Tanay nang makita niya  ang binatilyong si John Mark Sta. Ana na kumakain ng karton.


Naglakas loob si Hortal na tawagin at kausapin ang binatilyo upang tanungin kung bakit ito kumakain ng karton gayong hindi naman ito pagkain.


Dito na niya napag-alaman na isang linggo na palang kumakain ng karton ang bata dahil sa wala na silang makaing magkakapatid.


"Naglakas loob akong lapitan sya at sabay tanong na "Bakit yan ang kinakain mo?" sumagot sya "Eto na kinakain ko sa isang buong linggo," kwento ni Hortal sa kaniyang Facebook post.


Sa pagpapatuloy ng kanilang pag-uusap, naibahagi ni John Mark na pito silang magkakapatid at walang umaagapay sa kanilang magulang dahil ang kaniyang ina ay nasa Montalban habang nasa Maynila naman ang kaniyang ama.

Share:

3 comments:

  1. Anong pinagkakaabalahan ng mga magulang nila? At bkit hinayaan silang magkkpatid? Ni kamag ank mn lng ng bawat pamilya ng magulang nila di mn lng sila sinuportahan? Para makapag ttabaho mn lng sya kahit sa maliit na sahod, para may pang tustos sa araw araw na pagkain nilang magkkapatid.

    ReplyDelete
  2. Grabe nmn mga magulang nila..pinabayaan lng sila....ako di ko gagawin s mga anak ko...maski ewan sila..ngtatrabaho ako para s kanila.....Sana nmn may tumulong s kanila

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive