Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Customer, umorder ng burger online para ipamigay sa rider at nangangailangan

 

Napahanga ang mga netizen sa isang hindi nagpakilalang customer ng isang delivery rider na bumili ng burger para sa mga taong nagugutom dala ng mga nangyayari sa ating bansa.


Kuwento ng rider na si Mark Berdan na isang delivery rider, ihahatid na sana niya ang ilang piraso ng burger na ipinabili sa kaniya nang makatanggap siya ng mensahe mula sa kaniyang customer.


Sa kabila ng kinahaharap na pandemya ng bansa ay patuloy pa ring laman ng balita ang mga ulat tungkol sa riders na naloko ng kanilang mga customer, kaya naman labis na ikinatuwa ng isang rider nang makatanggap siya ng mensahe mula sa kaniyang customer na makatulong sa kaniyang pamilya at sa iba pang mga nangangailangan.


“Kuya, hindi mo na kailangang pumunta rito. ‘Yong 30 pieces ng burger, ipamigay mo along the way diyan sa mga nasa kalsada na nagugutom tapos ‘yong five pieces pa na burger, iuwi mo sa pamilya mo,” saad sa mensahe niya.


Noong una ay hindi makapaniwala sa kaniyang nabasa si Mark at nag-alala rin siyang mai-report siya sakaling nagbibiro lamang ang kaniyang customer.


“Hindi, Kuya. Ginagawa ko ‘yan lagi,” pagsisiguro naman sa kaniya ng customer.


Bilang patunay na ipinamahagi niya nga ang mga burger ay kumuha pa ng larawan si Mark. “Kuya Mark, okay na po. Hindi kailangan ng pictures. I trust you naman po. Salamat,” sabi sa kaniya ng kaniyang customer.


“God bless kay Ate and the Grab driver for being an instrument of such kindness,” sabi naman ni E. Martel sa isang post sa facebook.


Naging inspirasyon naman ang kabutihang-loob na ito para sa ilang netizens na nais tumulong sa kapwa.

Share:

1 comment:

  1. THANKS BE TO GOD SANA MARAMING PANG TULAD SAYO.... ANG MAY MALASAKIT AT MAY PUSONG MAMON NA HANDANG TUMULONG SA MGA NANGANGAILANGAN. πŸ’–❤πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ˜˜πŸ™πŸ™πŸ™PAGPALAIN kapo ng POONG may kapalπŸ™πŸ™πŸ™

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive