Muling nagpaalala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na mag-ingat sa mga kumakalat na pekeng impormasyon at mga scam sa social media.
Ayon sa ahensiya, ang mga Facebook page gaya ng "Hero ng Pandemya" ay hindi opisyal na Facebook page ng DSWD.
Mahigpit ding hinihikayat ng DSWD ang publiko na mag-ingat sa pag-like, pag-comment, at pagbibigay ng mga personal na impormasyon sa mga nagpapanggap na DSWD Facebook page at public group na nagsasawa ng mga raffle draw.
Dagdag ng ahensiya, ugaliing tumingin lamang ng impormasyon at anunsyo sa opisyak na Facebook page ng DSWD at field offices upang maiwasan ang fake news.
"Hinihikayat namin na tumingin lamang sa opisyal na Facebook page ng DSWD at mga field offices para sa wastong impormasyon at anunsyo," saad ng DSWD sa kanilang Facebook post.
No comments:
Post a Comment