Nagpaalala ang isang bumbero sa kung ano ang dapat gawin sa tuwing magkakasunog lalo pa at parami na nang parami ang mga nasusunugan sa bansa ngayong panahon ng tag-init.
Ayon kay Ron Bago, bilang isang bumbero pinapaalalahanan niya ang publiko na maging maingat at vigilante sa pag-report ng sunog sa mga kinauukulan.
Sa pamamagitan ng isang larawan na kaniyang ipinost sa Facebook ay tuwirang sinabi ni Bago na "Huwag ninyong i-video, itawag ninyo,” kung mayroon mang nagaganap na sunog.
Marami ang natuwa sa post na ito ni Bago ngunit may mangilan-ngilan din na nadismaya.
Ayon sa ilang netizen, importante rin na makunan ng larawan o video ang nangyayaring sunog nang sa gayon ay agad na makakuha ng tulong at responde mula sa mga
kinauukulan.
Hirit naman ng iba, tama nga naman ang sinabi ng bumbero lalo pa at marami ang nais na lamang magpasikat sa social media sa pamamagitan ng pagdodokumento ng mga sakuna gaya ng sunog.
No comments:
Post a Comment