Sa pamamagitan lamang ng pagiging tricycle driver ay napagtapos sa kolehiyo ng isang dakilang ama ang kaniyang apat na anak sa tulong ng kaniyang asawa na isang mananahi.
Ang kaniyang panganay na anak ay nakapagtapos bilang isang mechanical engineer habang ang pangalawa ay civil engineer. Isa na rin ngayong Math teacher ang kaniyang ikatlong anak at Mechanical Engineer naman ang kaniyang bunso.
Ayon sa panganay na anak na siyang nagbahagi sa kwento, nakiki-boundary lamang ang kaniyang ama habang wala namang tiyak na kita ang kaniyang ina na mananahi noong panahon na sila ay nag-aaral.
Sa sobrang hirap ng kanilang buhay ay pinilit daw nilang magkakapatid na maging working student at scholar matulungan lamang ang kanilang mga magulang.
Sa huli ay nakaraos naman ang buong pamilya at nakapagtapos ang lahat ng magkakapatid. Bilang ganti ay pinatayuan pa nila ng magara at malaking bahay ang kanilang mga magulang na nagtiyaga para sa kanila.
No comments:
Post a Comment