Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

OFW na ninang, sapilitang pinagbibigay ng P5k sa binyag ng kumare


 Marami sa atin na mas gusto pang dumayo sa ibang bansa para magtrabaho para maiahon ang sariling pamilya sa kahirapan at mabigyan ng magandang buhay.



Sa isang facebook post na ngayon ay trending at patuloy na pinag-uusapan dahil ang isang OFW na si Rachelle Claire Melchor ang siyang nag post at ikinuwento ang naging napag-usapan niya at ng kanyang kaibigan na nanay ng kanyang inaanak.



Sa post ni Rachelle, sa una ay maayos pa silang nag uusap sila ay nakukumustahan sa kani-kanilang pamumuhay at sa kalaunan ay nagbilin ng ito ng pasalubong ang kaniyang kaibigan.



Hanggang ang usapan ay umabot na sa pag-imbita nito kay Rachelle na maging ninang ulit sa bunso pa nitong anak at nag demand na sumagot ito ng gastos sa binyag na nagkakahalaga ng 5-thousand.



"Nakakalungkot lang isipin na kinukuha kang ninang ng iba mong kaibigan para lang may ganito ganyan. Keso nasa abroad daw ako keso malaki daw sahod ko. Oo nasa abroad ako pero di ako lumalangoy sa pera. Kung ano man yung kinikita ko pinaghihirapan ko yun.Kung anong meron ako nagtitipid ako para makuha ko yun. Pinaghihirapan yun ng mga OFW sa kung saan saang panig ng mundo" Sinabi Rachelle sa post.



"Hindi kami nakaupo lang at naghihintay lang ng grasya. Never ever think na nandito kami para lang sumakit ang ulo kakaisip ng ipapasalubong sainyo. Iniisip din namin yun. Pero may kanya kanya tayong needs and expenses.Nakakalungkot nga kakamustahin ka lang pag ganyan" dagdag pa nito.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive