Naghahanda na ang probinsiya ng Pampanga sa pagbili ng mga bakuna kontra COVID-19 na libreng ibabahagi sa mga nasasakupan nitong Kapampangan.
Ayon kay Pampanga governor Dennis "Delta" Pineda, umaasa siya na sa susunod na taon ay darating na ang mga bakuna na manggagaling sa ibang bansa.
Nasa proseso na raw ang kanilang pamunuan sa paghahanda ng pondo na ipambibili sa mga bakuna para sa mga kapampangan.
"By next year,
hopefully nandiyan na ang vaccine. Nasa process na po kami for funding. Kailangan po nating maglabas hindi po natin pwede iasa sa national government. Ang gusto ko ma-secure natin, pagdating ng vaccines mayro'n kaagad ang mga Kapampangan," saad ni Pineda.
Ilang mga bakuna na mula sa iba't-ibang bansa ang sinusumulan ng iangkat ng Pilipinas upang magamit sa susunod na taon. Kabilang dito ang 25 million doses ng COVID-19 vaccine na inaasahang dumating sa Marso mula sa isang Chinese Company.
No comments:
Post a Comment