Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

VP Leni Robredo, handang mauna sa mga tuturukan ng COVID-19 vaccine


 Matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto na handa siyang maging "guinea pig" sa human testing ng COVID-19 vaccine sa bansa, ibinahagi naman ngayon ni Vice President Leni Robredo nitong Linggo (Disyembre 6) na maging siya ay handang mauna sa mga tuturukan ng bakuna.


Ayon kay Robredo, ayos lang sa kaniya na maunang mabakunahan nang sa gayon ay  mapataas ang kumpyansa ng publiko ukol sa kaligtasan nito.


Dagdag pa niya, sang-ayon siya sa panukala ng marami na unang pabakunahan ang mga matataas na opisyal ng gobyerno upang mas lalo pang mahikayat ang bawat Pilipino sa pagpapaturok ng COVID-19 vaccine.


Pagbibigay diin din ni Robredo, dapat na gawing prayoridad ng pamahalaan ang mga medical frontliner sa oras na dumating na ang mga bakuna sa bansa.


Kamakailan lang ay nilagdaan na ni Pres. Duterte ang executive order na nagbibigay pahintulot sa Food and Drug Administration na mag-issue ng emergency use authorization para sa mga gamot at bakuna kontra COVID-19.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive