Sinabi ng isang 25-anyos na babae sa Naval, Biliran ang kanyang pahihirap na nararanasan araw-araw dahil sa nakausling bukol na mistulang makapal na balat sa pisngi at umabot na sa kaniyang likod.
“Mahirap po, mabigat. Tapos 'pag maligo ako, nahihirapan ako…'Pag lumalakad ako, nahihirapan ako kasi para akong lasing,” kuwento ni Ribby Jimenez.
“Sagabal sa pagtrabaho po, pagtulog ko, sama-sama ‘to. Maglalaba ako tapos maghuhugas, maliligo, minsan masakit ‘yung ulo ko. Lagi na lang ako nakahiga,” idinagdag pa niya.
Dati maliit palang daw na para bang isang balat na nakasabit sa baba ng kanyang piangi at lumilipas ang mga araw nalam niya na ito pala ay isang bukol.
"Nung maliit pa ako, sabi ng nanay ko, maliit pa raw ito. Tapos nag-aaral na ako. Hindi ko alam, lumalaki na pala. Tapos ‘yung nag-aalala ako, hindi ko alam lumalaki na pala. Tapos nag-stop ako sa pag-aaral ko kasi, binubully ako ng mga classmate ko, umiiyak ako,” ani Jimenez.
Ayon sa isang medical oncologist sa AHMC at DLSU-Medical Center, isang hindi pangkaraniwang kondisyon ang dumapo kay Ribby.
“For me, it’s a benign condition called a giant plexiform neurofibroma. Isang klase ng bukol na nagmumula sa abormal na paglaki ng mga nerve tissues ng katawan. Lumaki ito during childhood, puberty at child bearing ages,” ani Dr. Mary Manolo Igot.
@raffytulfoinaction
ReplyDelete