Labis na gulat ang nadama ng pamilya ng isang 85-anyos na matanda mula sa Espanya nang bigla itong mabuhay muli siyam na araw pagkatapos ang kaniyang pagkamatay dahil sa COVID-19.
Ayon sa ulat, naabisuhan na ang pamilya ni Rogelia Blanco sa kaniyang pagpanaw noong Enero 13 at nakatakdang burol kinabukasan na hindi nadaluhan ng pamilya dahil sa COVID-19 protocol.
Laging gulat umano ng pamilya nang umuwi ang matanda sa kanilang tahanan ng malakas at masigla siyam na araw matapos ang balita.
Sa huli, napag-alaman na nagkamali lang pala ang ospital dahil ang tao palang namatay ay ang isa pang pasyenteng nakasama ni Blanco sa iisang kwarto.
Humingi na rin ng dispensa ang ospital sa pamilya sa nangyaring insidente. Inabisuhan na rin ang korte tungkol sa maling balita ukol sa pagkamatay ng matanda.
No comments:
Post a Comment