Pinatunayan ng isang Pinoy Engr. ang magdala ito ng karangalan sa Pilipinas matapos maiuwi ang grand prize sa isang Royal Institute of Chartered Surveyors (RICS) dahil sa kanyang gawang disenyo na "Cubo" na gawa sa Bamboo.
Ang 23-taong gulang na engineer na si Earl Patrick Forlales ay nagtapos sa Ateneo de Manila. Sa bilang na 1,200 entries sa buong mundo, si Forlales ang nagkamit ng tagumpay at nag-uwi ng £50,000 o P3.5 million.
"Cubo" ang tawag ni Earl Forlales sa kanyang disenyo at ang dahilan nito ay ang mga materyales na gamit dito ay kawayan, maari namang matapos ang disenyo niya sa loob lamang ng apat na oras. Ayon pa sa source ay umaabot lamang ng P3,000 ang lahat lahat ng maaring magastos para lamang mabuo ito.
"CUBO started as nothing more than an idea, conceived while spending time at my grandparents’ house – it is incredible to think that it now will become a reality,” sabi ni Forlales sa isang interview ng ABS-CBN.
“As it releases 35% more oxygen than tress and can be harvested annually without causing degradation,” dagdag pa nito.
Para naman kay Forlales ang ginawa niyang ito ay isa rin sa maaring maging solusyon ng ating government para sa patuloy na pagtaas o pagdami ng ating informal settlers sa Manila at mabigyan ang mga ito ng disenteng tirahan.
No comments:
Post a Comment