Health Secretary Francisco Duque III, susubukang hikayatin si President Rodrigo Roa Duterte na ipakita sa publiko kapag magpapaturok na ng gamot sa COVID-19 para maging buo ang tiwala ng mamamayan sa gagamiting gamot.
Sinabi ni Duque kay senator Nancy Binay na gagawin ang lahat ng makakaya nila para makumbise si President Duterte para makapag vaccine na siya at dapat natin respetuhin kung man ang kanyang desisyon.
Nung una sinabi ni President Duterte na handa siyang mauna sa pagtuturok ng COVID-19 vaccine ngunit makakailan lang sinabi niya na mauna muna raw ang mahihirap at mga frontliners.
Nakikita naman natin na marami din ang mga presidente na handang magpaturok ng COVID-19 sa publiko katulad nalamang ni Joe Biden ng USA at Joko Widodo ng Indonesia.
Ayon kay presidential spokeperson Harry Roque na gagayahin na lamang ni President Duterte si Queen Elizabeth II ng UK, Sasabihin nalang na nag patusok at huwag na itong ipakita sa publiko.
Batay sa Pulse Asia survey, 32% lang ng mga Pinoy ang handang magpabakuna, at 47% ang nag-aalangan na magpaturok ng bakuna.
No comments:
Post a Comment