Kung iisipin mo, sa kabila ng matinding kahirapan at krisis na naranasan natin noong nakaraang taong 2020 ay pinagpapala pa rin tayo ng Panginoong Diyos.
Sa harap ng epekto ng COVID-19 pandemic at mga kalamidad tulad ng malalakas na mga bagyo, lindol at pagputok ng bulkan ay nakaraos pa rin tayo sa awa ng Diyos.
Sa ating Mabuting Balita (Marcos 6:34-44), mababasa natin na walang imposible sa Panginoong Diyos kung buong-buo ang ating tiwala at pananampalataya sa kaniya.
Ang anumang kakulangan ay kayang punuan ng Panginoon tulad ng ating mababasa sa Ebanghelyo, katulad ng ginawa niyang pagpapakain sa limang libo katao na kaniyang tinuruan bagaman limang tinapay at dalawang isda na lamang ang natitirang pagkain na kanilang ipamahagi.
Ang anumang kulang o kaya'y kakulangan natin sa ating pamumuhay ay kayang punuan ng Panginoong kung matibay ang ating pananampalataya sa kaniya.
Minsan kung ating iisipin, paano tayong nakatawid sa krisis nuong nakaraang taon gayong ang ilan sa atin ay nawalan ng pagkakakitaan at nagipit nang labis dahil sa pandemiya.
Isipin na lamang natin na walang imposible at walang hindi kayang gawin ang Panginoong Diyos basta't matibay ang ating pananalig na sasamahan natin ng pagsisikap.
No comments:
Post a Comment