Isang Lolo ang dalawang araw ng naglalakad mula Pampanga papuntang Quezon City ang nakita ng isang Doktor at pinasakay niya ito sa kanyang sasakyan.
Isang doktor na si Sherwin Enriquez mula sa Philippine General Hospital (PGH) ang nagmagandang loob sa 65-anyos na lalaki matapos itong makitang naglalakad sa kahabaan ng NLEX o North Luzon Expressway.
Napansin niya ang kawawang matanda habang nagmamaneho sya papuntang Manila para kunin ang donasyon para sa kanilang fundraising campaign.
Ayon kay doc Sherwin papunta siya sa Cubao sa Quezon City ngunit dahil sa tigil transportasyon ay kinailangan niyang lakarin ang napakalayong lugat sa kabila ng katandaan, paghingi ng tulong sa kanyang kapatid ang kanyang pakay sa pagluwas.
Habang nakikipag-usap sa doktor, bakas ang paghihirap sa kasalukuyang sitwasyon sa mukha ng matanda na hawak-hawak pa ang binalatang mangga sa kanang kamay, at ang mga pinagbalatan nito sa supot sa kaliwa.
“I decided to give him a ride and five minutes later, he was already sleeping,” saad ng doktor.
Subalit pagdating sa NLEX Bocaue Toll Gate Office, nagpasya si doc Enrique na i-turn over na sya sa mga awtoridad para mas matugunan ang kanyang mga pangangailangan, dala na rin ng mahigpit na quarantine guidelines.
No comments:
Post a Comment