Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Mayor Isko Moreno, simbahan planong gawing vaccination site


Nakikipag-usap na si Mayor Isko Moreno sa Archdiocese of Manila para sa posibleng paggamit ng mga simbahan bilang vaccination sites, “Wala pa kaming formal letter pero may communication na ako kay Yorme Isko tungkol dito at mag-uusap kami tungkol d'yan,” ayon kay Bishop Broderick Pabillo, Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila.


Kasama sa usapan nila kung anong pasilidad ang gagamitin nila bilang vaccination sites, “Siguro kailangan nila malalaking simbahan so maghahanap kami. Kung ano 'yung mga kinakailangan nilang facilities at kung saang area,” sabi ni Pabillo nitong Biyernes ng umaga.


Ayon kay Pabillo, may pasilidad ang ibang simbahan tulad ng gym at hall na pwedeng magamit at maaari rin tumulong ang mga kawani ng simbahan sa pagbabantay sa vaccination sites.


“Itong inaalok namin sa Archdiocese of Manila lang ito. Siyempre, ang ibang mga dioceses may iba iba rin silang pag-uusap ng kanilang local officials,” sabi ni Pabillo.


Nauna nang sinabi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na handa silang ialok ang mga pasilidad ng mga simbahan para gawing mga lugar para sa vaccination program ng bansa at handa rin naman silang makipag-usap sa iba pang mga lungsod na nasa ilalim ng Archdiocese of Manila tungkol dito.


Inaasahan na darating sa susunod na buwan ang unang batch ng 1 million COVID-19 vaccine sa bansa.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive