Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pres. Duterte, nagbabala sa mga menor de edad na manatili sa bahay sa gitna ng pandemya


Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes, nag bigay babala sa mga menor de edad na may edad na 10 hanggang 14 taong gulang sa mga lugar na modified general community quarantine (MGCQ)amid COVID-19 pandemic matapos na pinayagan ng Inter-Agency Task Force na lumabas ng tahanan ang mga menor de edad sa ilalim ng MGCQ.


Napilitang ibalik ang paghihigpit ng ating pangulo dahil na rin sa New Variant, "Ang sa akin is as a precaution because there is a strain discovered in the Cordillera that is very similar sa strain dito sa United Kingdom. How it got there is beyond me. Hindi ko talaga alam bakit dumating doon," saad ni Duterte.


"Balik ho muna kayo sa bahay muna, and besides, 'yung 10 years old to 14, itong mga mas matanda na, mahirap i-manage pero itong mga 10, 11, 12, puwede na sila sa TV. They can glue their attention sa TV the whole day," dagdag pa ni Duterte.


Dati ang mga edad 15 hanggang 65 lamang ang pinahihintulutan na lumabas maliban sa pagtatrabaho, pagkuha o pagbili ng mga kailangan at mag bakasyon sa ilang mga lugar.


Ayon kay Presidential spokeperson Haryy Roque, ang pangatlong beses na naghigpit sa 4 na antas ng lockdown, ay hinihimok na payagan din ang mga bata na 10 hanggang 14 na taong gulang na lumabas.


Base naman sa isang public health expert na nagbigay siya ng babala sa mga bata at maaari silang tawaging “superspreaders”ng COVID-19 kung papayagan silang lumabas ng bahay.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive