Isang manggawa ang nasawi nasa 76 na katao naman ang idinala sa ospital at ang nga residente naman ng Navotas ay lumikas na matapos tumagas ang Ammonia.
Kinilala ang namatay na mangagawa na sa planta na si Gilbert Tiangco, 44-anyos, ang alkalde naman ng lungsod, hindi itinanggi na pag-aari ng pamilya ng kaniyang ina ang planta.
Ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco, na 59 katao ang dinala sa Navotas City Hospital at ang 17 naman ay idinala sa Tondo General Hospital sa Manila.
“Umabot sa 61 po ang mga pasyenteng dinala natin sa ospital at isa sa kanila ang binawian ng buhay," sinabi ng alkalde.
"Mayroon din pong mga residente na dumiretso na sa ospital. Kasalukuyan pa po nating biniberipika ang datos nito,” dagdag pa ni Tiangco.
Humingi ng paumanhin si Tiangco sa insidente at sinabing pag-aari ng pamilya ng kaniyang ina ang planta na T.P. Marcelo Ice Plant and Cold Storage sa Barangay North Bay Boulevard South.
Nangako rin ang alkalde na bibigyan ng kompensasyon ang mga naapektuhan ng pagtagas.
Pagsapit ng gabi, sinabi ni Tiangco na paalis na ang mabagsik na amoy dahil na rin sa pagmonitor ng City Disaster Risk Reduction and Management Office.
“Sa ngayon po ay nasarado na ang valve na nag-leak at hinihintay na lamang nating humupa ang amoy ng ammonia," ayon kay Tiangco.
"Tinatayang aabot ng 2-3 oras bago po humupa ang amoy sa lugar kaya nagpahanda na rin po tayo ng food packs sa ating CSWDO para sa mga apektadong residente,” dagdag niya.
No comments:
Post a Comment