Sa halip na magsaya sa paglalaro at pag-aaral, paghahanap-buhay ang inaatupag ng pitong taong gulang na bata mula sa General Mariano Alvares, Cavite upang kumita ng pera at makatulong sa pamilya.
Naglalako ang batang sa Jhoncent Celicious ng mga nakasupot na gulay na nakalagay sa isang basket na pinupusan niya sa ibabaw ng kaniyang uulo.
Pag-amin niya, anim na taon pa lamang siya ay nagtitinda na siya nang sa gayon ayy matulungan niya ang kaniyang mga magulang sa mga gastusing bahay,
Ayon kaniyang ina, hindi raw nila inutusan or tinuruan ang anak na maghanap-buhay kung kaya nagulat na lamang sila nang isang araw ay maglako ito ng mga gulay.
Pang-pito si Johncent sa sampung magkakapatid. Bagamat nakakapasok pa siya sa paaralan, ang ilan s akaniyang mga nakatatandang kapatid ay nahinto na sa pag-aaral.
Hirap sa pagtatrabaho ang kaniyang ina dahil sa kaniyang goiter at hika habang ang kaniyang ama naman ay walang trabaho magmula pa noong isang taon.
No comments:
Post a Comment