Napawi ang lahat ng paghihirap ng isang amang mananahi dahil sa bukod sa napagtapos niya sa kolehiyo ang kaniyang anak ay dalawang beses pa itong nanguna sa board examination.
Kwento ni Jomel Lapides, ang kaniyang ina ay isa mabuting may-bahay habang ang kaniyang ama naman ay isang mananahi na dati ring namasukan bilang construction worker.
Hindi mapagkakaila ni Lapides na matinding hirap at pagsisikap din hindi lang sa pag-aaral kung hindi maging sa buhay ang dinanas niya bago niya naabot ang isa sa kaniyang mga pangarap.
Kung kaya nito lamang 2020, marami ang humanga sa binata matapos mag-rank 1 sa Physician Licensure Examination o board exam para sa mga doktor sa rating na 88.67 percent..
Noong 2011, matatandaang ding nanguna si Lapides na may 88.4 percent rating sa Nursing Licensure Exam.
Lubos ang pasasalamat ni Lapides sa Diyos dahil ipinagdasal niya lamang rito na mapabilang sa top 10 ngunit hindi niya inaasahan na ipagkakaloob sa kaniya ang unang pwesto.
No comments:
Post a Comment