Nalungkot na lamang ang isang balut vendor matapos magkalat ang tinitinda niyang balut dahil sa cleaning operation ng mga awtoridad sa Colon Street sa Cebu City, dumating at nagsagawa ng operation sa mga kalye at kinumpiska ang mga kariton na nakakalat sa high way.
Hindi lang iyon marami din uri ng mga street vendors sa ating bansa, merong nagtitinda sa kariton, naglalako ng mga kakanin, mga balut vendors, mga nagtitinda ng fishballs at kwek-kwek at marami pang iba kahit na paghahanap buhay ang pagtitinda dapat ay sumunod rin ang ating mga street vendors sa batas ng ating bansa.
Meron parin kasing mga pasaway na street vendors na iniiwan nalang basta basta ang kanilang kalat na hindi naman natin maiwasan ang pagkakalat kaya nagsagawa ng isang cleaning operation sa lugar ng Cebu City.
Sa kadahilanang marami ang mga bumibili kaya sumuway sa utos ng batas ng lipunan, trabaho lang ng mga awtoridad ang ginawang pag-iimpound ng mga illegal street vendors ngunit nang makita na pinupulot ng tindero ang mga nagkalat niyang mga panindang balut ay nalungkot ito.
Ayon sa saksi sa pangyayari, "sana ay hindi na lang sana umabot sa ganoon ang pangyayari maaaring dinaan na lang sana sa maayos na usapan at hindi na kailangan pang tumapon ang mga iba't ibang paninda sa daan."
dagdag pa ng nakasaksi nakita niya kung paano trinato ang mga street vendors ng mga awtoridad na sana ay nag-usap na lamang sila ng mabuti at saka maayos na kinumpiska ang mga kariton. Hindi na sana pinagtatapon ang mga paninda dahil kung susumahin ay mahal din ang mga iyon.
Hinaing pa ng netizen na marangal na naghahanap buhay si kuya. Alam rin naman daw ng mga illegal street vendors na huhulihin sila ng mga awtoridad pero kailangan lang daw talaga nilang magtinda para may pangkain at mabuhay.
hnd na lang kinausap ng ayus,, grabe.. bigyan nila ng trabaho, or pede naman nila bigyan ng pwesto ang mga street vendors para hnd nakakalat , hnd yung gagawin nilamg parang hayup,,
ReplyDelete#raffytulfoinaction
ReplyDelete#raffytulfoinaction
ReplyDelete