Noong Martes ng hapon ibinigay ng Chinese Embassy sa Manila ang mga Huawei computer tablets para matulungan ang mga batang walang magamit sa “blended learning” dahil sa COVID-19 pandemic sa bansa.
Ang Chinese Ambassador na si Huang Xilian ay iniabot ang Huawei computer tablets kay Philippines Education Secretary Leonor Briones sa isang pangyayari sa Palace.
Sinabi ni Huang kaya niya binigyan ang mga estudyante dahil sa Virtual Learning na kung saan hindi gaanong handa ang mga bata sa ating bansa.
Ang Pilipinas ay ginawang blended learning dahil ito ay iniutos ng pamahalaan dahil sa bawal lumabas at sa pag taas ng kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa, sa ilalim ng blended learning ang mga guro ay nagtuturo online para sa mga bata.
Sinabi ng Ambassador Huang na ang Chinese Embassy ay patuloy ang kanilang pagtulong sa bansang Pilipinas sa lahat ng kanilang makakaya at dinagdag narin ito ang pagtupad sa Chinese Government Scholarship at Chinese Ambassador Scholarship projects.
Buong buo naman tinanggap ni Briones ang donasyon dahil sa relasyon ng ating bansa sa China mas nabibigyan tayo ng suporta katulad nalamang itong blended learning.
Si Briones at ang pamahalaaan ay magsisimula ng mamahagi ng Huawei tablets sa mga lugar na malayo sa kabihasnan , hirap sa pamumuhay at walang sapat na pera para sa pang bili ng mga gadgets.
sana po isa ako sa matulongan po mabigyan ng tablit para sa mga ank ko nag aaral
ReplyDelete