Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Guro, Ibinenta ang mga toy collection para pangbili ng school supplies para sa mga bata


Ang guro na si Muhammad Nazmi ay nag-viral matapos itong ibenta ang kanyang mga nakolektang mga laruan para mayroon itong pang bili sa mga estudyante.


Si Muhammad ay naka-aasigned sa paaralan sa syudad ng Sarawak, Malaysia na kung saan ang mga estudyante doon ay walang sapat na pera pang bili ng mgs school supplies.


Kahit na hirap ang nararanasan ng guro at ng kanyang mga estudyante malapit parin sila sa isat isa, Teacher Nazmi ay kinikilala bilang pangalawang magulang ng kanyang mga estudyante.


Dahil sa COVID-19 hindi nagawa ng guro na makita ang kanyang mga estudyante dahil ito ay ipinagbabawal ng pamahalaan na makipag-close contact.


Pero nung sinabihan si Teacher Nazmi na lilipat na ito ng ibang paaralan naisipan niyang magbigay ng regalo para sa mga estudyante bago malipat.


Walang gaanong pagkakakitaan ang guro kaya naisipan nitong ibenta nalang ang kanyang toy collection katulad nalang ng mga action figures para lang may maibigay na school supplies.


Ayon sa guro hindi rin siya sigurado kung may magkakagusto ba sakanyang mga collection pero naniwala parin na may makakabili nito para makabili na ng school suppies para sa mga bata.


Teacher Nazmi ay nagagalak dahil meron na din bumili ng kanyang mga collection nagmadali agad itong pumunta ng mall para makabili ng mga kailangan ng mga bata at saka na ito ipinamigay sakanila at sinabihan pa na mag-aral sila ng mabuti para maging successful sila sakanilang buhay.


Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive