Isang Amerikano na 75-anyos ang nastranded sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng 3 linggo, inaresto dahil wala ito sa kanyang sarili at nag papakita pa ito ng kanyang maselang bahagi.
Inaresto ng mga awtoridad na si Maurice Francis O'Connor dinala ito sa police headquarters dahil sa wala ito sa katinuan at hindi pag suot ng facemask at faceshield ito pa naman ang pangunahing health protocols sa loob ng Airport at madalas pa daw itong inaalis ang kanyang short.
Sinabi ng mga awtoridad na sinira ni O'Connor ang airport COVID-19 information board sa arrival extension area noong nakaraang Miyerkules.
Marami ang mga nagrereklamo kay O'Connor dahil noong nakaraang araw meron itong dinuraan sa mukha at meron din itong ninakaw ng dalawang bote ng soda.
Sinabihan na ng NAIA public affairs office ang US Embassy patungkol sa pag-uugali ni O'Connor.
Ayon kay O'Connor galing daw ito ng Massachusetts at isa rin siyang beterano sa Vietnam war sinabi niya rin na stranded siya sa airport dahil nakalimutan niya ang kanyang flight palipad ng Thailand.
Sinabi naman ng isang airport security guard na si O'Connor ay natutulog sa loob ng airport ng ilang linggo.
No comments:
Post a Comment