Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Isang batang nagtitinda, ninakawan ng cellphone at P800 na kita ng isang kawatan

 


Nanginginig at umiiyak nalang ang isang batang 10-anyos na lalaki matapos na magkwento kung papaano kinuha ng isang kawatan sa kaniyang cellphone na ginagamit pang online class at ang kanyang kinitang pera na nagkakahalagang 800 pesos.

 

Ang batang ito ay matiyagang nag bebenta ng lumpia para lang may maibigay na tulong para sakanyang pamilya at habang siya ay nag oonline class pinipilit niya parin magbenta kahit maliit lang ang kita basta nakakatulong siya sa pamilya niya ay malaking bagay na daw sakanya iyon.

 

Ayon sa ulat ni Russel Simorio ng GMA nitong lunes ang bata ay nag bebenta malapit sa Calasiao, Pangasinan at sinabing habang nag bebenta ito may lumapit ang isang kawatan na nag pakilala bilang isang kagawad at kakilala raw ito ng kanyang lola.

 

Habang kasama ng kawatan ang bata dinala ito sa lugar na walang tao at biglang kinuha ang kanyang cellphone at ang 800 pesos na kinita niya sa pagtitinda ng lumpia pati narin ang kanyang pagkain dahil bumili ito para magpahinga muna saglit.

 

Nagsabi muna nung una ang kawatan na aalis lang sita saglit dahil tatawagan niya ang kanyang lola at hindi na ulit ito nagpakita at cellphone ne kinuha ng kawatan ay ilang buwan pinag-ipunan ng bata para lang meron siyang magamit sa kanyang online class.

 

"Sana kung nakikita n'yo 'to 'wag n'yo na pong ulitin sa iba po," sabi ng bata, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya at naghahanap na CCTV na maaaring makatulong para matukoy ang kawatan.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive