Masaya na sana ang waiter na si Tony dahil magkakaroon na itong iPhone na ibinebenta sa online ng isang seller sa Facebook noong Sabado.
Sa halagang 6,500 pesos mabibili na niya ang iPhone 11 para sa 8 taong gulang niyang anak para magamit niya ito sa kanyang online class, karaniwang umaabot sa 40,000 pesos hanggang 50,000 pesos ang halaga ng nasabing cellphone.
Ngunit pag unbox nito sa kanyang iPhone hindi na agad magamit ni Tony dahil ito ay peke, "'Di pa rin siya nagcha-charge hanggang sa uminit na ang phone. 'Di naman siya naka-charge, tapos umiinit na siya. Tapos hindi na namin mabuksan," ani "Tony."
Kinausap pa nga ni Ton ang seller sa kanyang messenger na may pangalang "Julie Hang" sa Facebook pero sinabihan lang niya ito na kalikutin lang ang kanyang cellphone at i-charge ito ng maayos.
Matapos gawin ang instruction ni Tony na ibinigay ng seller hindi parin ito umaandar at nang tiwagan ulit ang seller hindi na ito sumasagot at na-block pa sa Facebook.
Gumawa ng isang entrapment ang mga pulis para matulungan si Tony, Isang kaibigan ni tony na inutusang magorder sa seller noong Martes at agad ng hinuli ang delivery rider na si Tom.
Ayon sa driver isang linggo palang raw siyang nag-sideline para sa seller na si Julie Hang, Sinampahan na rin si Tom ng kasong estafa.
No comments:
Post a Comment