Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Isang pari, Inihalintulad niya ang katawan ng tao sa battery na malapit nang mawalan ng power


Paalala para sa lahat ng isang dayuhang pari na nagngangalang “Father Luciano Felloni” sa kaniyang Facebook page na “AlmuSalita” Aniya, “Self–care is a priority not a luxury”, Inihalintulad niya ang katawan ng tao sa phone battery na malapit nang mawalan ng power o tinatawag na “lowbat” na kailangang i–recharge.


“Alagaan ang sarili. Charge yourself by having fun with your friends or just relaxing at home or attending a mass for spiritual recharge.” sabi ni Father Luciano Felloni.


napapanahon lalo na  nauuso ang mga sakit ngayon saan ka man magpunta at ang pinakamalaking magagawa ng mga tao upang makaiwas dito ay ang pangangalaga sa sarili at ang pag kain ng masusustansyang pagkain.



Kinumpara ni Father Felloni ang katawan ng tao sa phone battery na malapit nang mawalan ng power o tinatawag na “lowbat” kung ayaw daw nating maihalintulad ang sarili natin sa isang bateryang pawala na ang lakas o power, kinakailangan natin magpare–recharge.


Sumang–ayon naman ang mga netizens sa sinabi ng pari,” I agree with this, always remember, whatever we do or where ever we go, don’t forget God in our hearts and minds at the same time enjoying the company of our family and friends.” ani ng isang netizen.


“If you will not take care of yourself, who would you expect to do it for you? You can only share love if you know how to love yourself. This is so true,” komento naman ng isa pang netizen.


Dagdag naman ng isa, “Win na win po ito Father Felloni. This is so true. We really need to recharge our spiritual battery for our body and soul. In times like this, bukod sa pagpapalakas ng katawan at resistensiya, kailangan ding palakasin ang ispirituwal na aspeto ng buhay.”



Si Father Luciano Airel Felloni ay isang misyonaryong Argentinian na halos dalawang dekada nang naninirahan sa Pilipinas at kilalang pilantropo at tagapagtaguyod ng mga makataong pagkilos para sa mga Pilipino.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive