Hindi pa tapos ang paghihirap ng dating pulis na si Jonel Nuezca dahil haharap ito sa panibagong responsibilidad dahil sa kanyang ginawa sa mag-ina sa Tarlac City.
Ayon sa abogado ng pamilyang Gregorio na si Atty. Freddie Villamor humihingi ng malaking pera kay Nuezca dahil sakanyang ginawa noong nakaraang taon sa mag-ina.
Aabot sa higit na 70 million pesos ng kailangan mabayaran ni Jonel Nuezca, " establish po natin ang civil liability ng akusado at nanghihingi po siya ng total amount of more than 70 million pesos" ani ni Atty. Villamor.
Nanghingi ng 10 million para sa bawat napatay nito, total of 20 million at nanghingi na din ng 50 million para sa mga damages para huwag ng tularan ang ginawa ng pulis.
Maliban doon meron pang i-compute ang korte yung compensatory damages na nasa ilalim na ng batas, ito ay tinatawag na civil indemnity every victim may 75,000 pesos.
Kaya mas higit pa sa 70 million pesos ang total damages na hinihingi ng private compliant kahit na mabayaran ito ng dating pulis mananatili parin siya sa kulungan.
No comments:
Post a Comment