Marami ang naantig ang damdamin ng mga nanood ng video na ibinahagi ng isang netizen na si Rowena Germina nakung saan ang pitong magkakapatid ay pamangkin ng yumaong na si Imelda Casaul.
Maagang naulila sa ina ang mga pitong magkakapatid na sa murang edad dala-dala na ang matinding pagkawala ng pagaalaga ng isang Ina kaya kinantahan nila ito habang nakaburol.
Ayon kay Rowena, kinantahan ng mga bata ang kanilang ina na umaasang ito ay magising, "Iingatan Ka" ni Carol Banawa ang kinanta ng mga bata dahil iyon daw ang paborito ng kanilang ina noong siya nabubuhay pa, iyon din ang kinakanta niya bilang pampatulog sa mga anak.
Kwento ng panganay na anak ni Imelda na si Ginbert, bestfriend niyang maituturing ang kanyang pinakamamahal na ina at ipinangako niya na aalagaan niya ang kanyang mga nakababatang kapatid.
Nang mag-viral ang video dinagsa naman ng tulong ang mga naulila ni Imelda, Tinulungan ang mga bata at binigyan sila ng mga pagkain, damit, at iba pang pangangailangan nila.
Mula sa PHP100 hanggang PHP10,000 ang halagang naipaabot sa naiwang pamilya ni Imelda na labis namang ipinagpapasalamat ng tiya nito na si Rowena.
No comments:
Post a Comment