Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Nurse, kulong matapos bumili ng buble tea kahit naka-quarantine

 


Sa kulungan ang hantong ng isang nurse sa Singapore matapos lumabag sa home quarantine protocol ng ilang ulit kasama na ang kaniyang pagbili ng boba o milktea.


Kinilala ang nurse bilang si Nurul Afiqah Binte Mohammed, 22, na dating empleyado ng Singapore General Hospital (SGH).


Siya ay nasa ilalaim ng 14-day stay-home notice hanggang April 4, 2020 matapos niyang magbakasyon sa Australia noong March 21, 2020.


Sa kabila nito, lumabas pa rin ang nurse ng kaniyang tahanan ng hindi bababa sa pitong beses. Nakuha nitong bumili ng milktea, sumakay ng bus at pumunta sa kaibigan upang tumulang sa nalalapit nitong kasal.


Hanggangg sa nakaranas na ito ng mga sintomas ng COVID-19 at tuluyang ma-hospital dahil sa pagiging positibo sa sakit.


Dahil sa kaniyang mga naging quarantine violation, nahatulan ng guilty ang nurse sa kasong paglabag sa Infectious Disease Act.  Mananatili itong nakakulong ng pitong linggo simula January 22.  Maaari itong tumagal ng anim na buwan at magmulta ng 10,000 Singaporean dollars kung mapatutunayang naipasa niya ang sakit.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive