Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Taiwanese, isinumbong kay Tulfo ang MMDA


Isang Taiwanese sa Pilipinas ang naglakas-loob na lumapit sa programang Raffy Tulfo in Action upang isumbong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kumumpiska sa kaniyang bisikleta noon lamang Enero 18.


Ayon sa 29-anyos na si Liu Peng Shieh, nagtungo lamang siya sa kaniyang shop sa Baclaran, Paranaque nang kunin ng mga taga-MMDA ang kaniyang bisikleta na nagkakahalaga ng mahigit kumulang P10,000. Aminado naman siya na ipinwesto niya ito sa sidewalk kaya marahil kinumpiska ito ng awtoridad.


Nang kinukuha na ang kaniyang bisikleta, agad namang nagpakilala si Shieh bilang may-ari. Humingi ito ng paumanhin ngunit hindi pa rin ibanalik sa kaniya ang kaniyang bisikleta at dinala pa sa impounding area.


Noong Enero 20 ay naibalik ang bisikleta kay Shieh ngunit giit niya nawawala na ang ilan sa mga bahagi nito.


Inirikomenda ni Raffy Tulfo sa MMDA na palitan na lamang ang bisikleta ng dayuhan lalo pa at lumilitaw na hindi makatarungan ang ginawa ng mga empleyadong kumumpiska rito ngunit tugon ng MMDA kailangan muna itong dumaan sa imbestigasyon.


Sa huli, nangako na lamang si Tulfo na bibilhan niya ng panibagong bisikleta si Shieh ngunit hirit nito kailangan pa ring panagutan ang ginawa ng MMDA sa kaniya.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive