2.4 hangang 2.8 milyong trabaho ang target ng pamahalaan na malikhang trabaho ngayong 2021 para ma-recovery ang employment strategy para maibsan ang naging epekto ng COVID-19 pandemic.
Pumirma sa joint memorandum circular (JMC) sa paglikha ng National Employment Recovery Strategy (NERS) Task Force ang iba't ibang organisayon kabilang ang Labor and Employment (DOLE), Trade and Industry (DTI), Transportation (DOTr), Tourism (DOT), Budget and Management (DBM), Education (DepEd), Interior and Local Government (DILG), Social Welfare and Development (DSWD), Science and Technology (DOST) at maging Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, inaasahan na kahit kaunti makakabawi ang sektor ng paggawa ngayong 2021 at inaasahan din na madagdagan ang puwersa ng mga manggagawa sa 2022 dahil magtatapos ang first batch ng mga mag-aaral sa K-12 program.
“So there will be additional workers next year that will make our unemployment rate challenging so about 2.4 to 2.8 million jobs must be created this year,” paliwanag ni Nograles.
Mas mababa na ito sa record-high 17.7% unemployment rate higit na 7.2 million ang nawalan ng trabaho na naitala noong Abril 2020 kung saan ang panahon na ipinatupad ang lockdown dahil sa COVID-19.
“We are drafting the National Employment Recovery Strategy... the objective of this strategy is to enhance the effectiveness of policies and programs and to more efficiently achieve the national objective, makabangon ang eknomiya,” ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez.
No comments:
Post a Comment