Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Vegetarians at mga taong may blood type O ay may "less chance" para mahawa sa COVID-19


Ang mga vegetarians at type O ang dugo ay may less chances na mahawa sa coronavirus ayon sa isang pag-aaral sa India ng Council of Scientific and Industrial Research (CSIR).


Ang mga vegetarian at tao sa pangkat na may blood type O ay may mas mababang seropositivity, na nangangahulugang ang kanilang serum sa dugo ay hindi positibo sa mga antibodies.


“The study found that higher seropositivity was found for those using public transport and with occupational responsibilities such as security, housekeeping personnel, non-smokers and non-vegetarians,” ayon kay Shantanu Sengupta senior scientist ng Institute of Genomics and Integrative Biology (IGIB).


Ang survey ay kumuha ng mga sampol ng dugo sa 10,427 na mga miyembro ng kawani at kanilang mga pamilya mula sa 40 na institusyon ng pananaliksik sa ilalim ng CSIR upang siyasatin kung mayroon silang mga antibody na SARS-CoV-2.  


Napag-alaman ng mga researchers na ang seropositive rate ng mga vegetarians, ang mga gumagamit ng pribadong transportasyon at ang mga may trabaho na mababa ang exposure sa iba, nangangahulugang ang mga taong may mga katangiang ito ay nasa mas mababang tsansa na mahawahan ng COVID-19.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive