Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Vico Sotto, naniniwala parin na 'darating ang pagbabago'


Buong buo parin ang tiwala at hindi nawawalan ng pag-asa ang Pasig City Mayor Vico Sotto na kaya niyang alisin ang mga dumi sa gobyerno at sa kultura ng mga Pilipino.


Ayon sa kanyang post sa twitter, pinapasalamatan niya ang alkalde ng U.S Department of State sa pagkilala sakanya bilang isa sa doseng Anti-corruption champions, "But more than the recognition, I hope this helps raise awareness," ani Sotto.


"If we want better long-term governance, we need to fight corruption. We have to denormalize it, get it out of our culture," dagdag ni Mayor Vico.


Sa isang komento ng isang netizen sa post ni Mayor Vico at sinabi niyang matagal nang nakatanim sa bansa ang problema ng katiwalian "Di ka pinangangak iho, iyan na ang problema sa Pilipinas!" ayon sa post ng netizen.


Ang tugon naman ni Sotto, maaari pa ring labanan ang katiwalian kahit paunti-unti, "Pati naman po kayo, di pa po kayo pinapanganak, iyan na ang problema sa Pilipinas. Our problems have been ingrained in our government and culture for hundreds of years," sabi ni Sotto.


"Ngunit kung lalabanan natin, darating ang pagbabago, kahit paunti-unti," dagdag ng alkalde.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive