Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

80-anyos na lolo, naglalakad ng 20 kilometro sa pagtitinda ng bagoong


Sa kabila ng katandaan, hindi iniinda ng 80-anyos na matanda mula sa Pandi, Bulacan ang paglalakad ng ilang kilometro makapaghanapbuhay lamang at kumita ng pera para sa pamilya.


Sa kwentong ibinahagi ng isang netizen sa Facebook, naitampok ang matandang si Tatay Lauro na matiyagang nagtitinda ng bagoong sa Bulacan.


Base sa ulat, residente mula sa barangay Bitukang Manok si Tatay Lauro. Mula rito ay naglalakad siya ng higit-kumulang 20 kilometro patungong Real Cacarong upang magbenta ng bagoong.


Kumikita lamang ang matanda ng P50 sa kaniyang pagtitinda kung kaya nagsusumikap na lamang ito sa paglalakad.


Ang perang kaniyang kinikita ay ipinambibili niya ng bigas at ulam nang sa gayon ay may makain ang kaniyang mga naiwang pamilya sa bahay.


Dahil sa sitwasyon ni Tatay Lauro, marami ang naawa ngunit marami rin naman ang humanga sa kaniyang determinasyon at pagsusumikap sa kabila ng katandaan.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive