Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Lalaki nagbebenta ng bags na gawa sa lata ng softdrinks

 


Pinupusuan ngayon ng netizens ang mga larawan ng produkto ng isang lalaki sa Thailand dahil sa kakaiba nitong disensyo at abot kaya nitong presyo.


Sa halip kasi na tela or leather, naisipan ng isang lalaki sa Sampheng na gumawa ng bag mula sa mga lata ng softdrinks na karaniwang nakikitang nakakalat sa paligid.


Lahat ng kaniyang mga produkto ay hand-made o gawang kamay ngunit aabot lamang ang presyo sa 60-100 Thai Baht or P96 hanggang P160.


Dahil sa stylish look ng mga bag, parami na ng parami ngayon ang nais bumili ng naturang produkto. May iilan na nga na umo-order ng bulto bulto.


Samantala, dahil nga gawa sa mga lata ang mga bag, asahan na ang ilan sa mga ito ay mayroong mga maliliit ng gasgas. Gayunpaman, sulit pa rin ang pagbili rito dahil bukod sa natutulungan na sa kaniyang negosyo ang may-ari, nababawasan pa ang mga kalat sa paligid.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive