Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

TV5 owner, inaming nakatulong sa TV5, Cignal TV ang pagsasara ng ABS-CBN


Aminado ang PLDT chairman at CEO na si Manny V. Pangilinan na nagkaroon ng positibong epekto ang pagsasara ng Abs-Cbn noong nakaraang taon sa kanilang Cignal TV, isang DTH satellite provider, at TV5 na isa namang television network.


Ayon kay Pangilinan, tumaas ang subscribers ng Cignal TV  simula noong magsara ang SkyDirect ng SkyCable Corporation na pagmamay-ari ng ABS-CBN.


“Cignal had a very good year because unfortunately, Sky Direct was closed and there was significant migration of Sky Direct subscribers that went over to the Cignal side, such that we added about 1.3 million to 1.4 million subscribers and that was done in the latter part of 2020,” saad ni Pangilinan.


Nadagdagan din ang ratings ng TV5 lalo pa ngayon at ipinalalabas sa kanilang istasyon ang ilan sa mg proograma ng kapamilya network.


“The content of ABS-CBN that’s so far been shown in TV5 has helped a bit and [we are] talking to them about further showing their content on TV5,” dagdag niya.


Dahil dito, umaasa si Pangilinan na makababawi ang kanilang TV network mula sa tatlong taong pagkakabigo nitong maabot ang kanilang target sa breakeven profit. Gayunpaman, mas mataas pa rin ang rating na nakukuha ng GMA pagdating sa kanilang entertainment content.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive