Nagka COVID-19 parin ang isang Pinoy na taga Mandaue, Cebu kahit naturukan na sya ng dalawang dose ng vaccine mula sa China na Sinopharm.
Ayon sa Department of Health Region 7 galing sya sa United Arab Emirates (UAE), noong Enero 14 sya unang naka tanggap ng unang dose ng bakuna, February 6 naman siya naturukan ng ikalawang dose.
Dumating sa Cebu City ang Overseas Filipino Worker (OFW) noong February 11 at nag negatibo ito sa swab test.
At dahil paalis na ulit siya ng bansa, sumailalim muli ito sa swab test at lumabas na positibo ito sa COVID-19, minomonitor na ang OFW ngayon maging ang kanyang pamilya.
Samantala, inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang Sinopharm bilang bakuna para sa Presidential Security Group (PSG) members sa Pilipinas.
No comments:
Post a Comment