Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Opinion: Magkano nga ba ang sahod sa Taiwan at sapat ba ito?

 

Kung ordinaryong empleyado ka sa isang factory ang minimum wage salary ay nasa 25,250 New Taiwan Dollars o NTD. Kung ang palitan ay nasa P1.80, ang NTD25,250 ay nasa 45,450 sa peso.


Ang tanong ng nakakarami? Malaki ba ang halagang ito? Ito yung sahod na sakto lang. ang problema ay hindi mo ito makukuhang buo dahil marami pa ang deductions.


Ang bahay o accomodation? May average na NT$1,500 hanggang NT$4,000 at hindi po pa solo ang maliit na kwarto dahil paghahatian pa ito ng 4 hanggang 8 katao.


May mga insurance pa na idededuct dito tulad ng health isurance, income tax, ang iba ay may welfare fund. Aabot ito ng hanggang NT$3,000 depende sa kabuoang oras ng pagpasok.


Syempre gagastos ka pa sa iyong pagkain, hygeine products at iba pang daily needs. 


Ang natitira? Pagkakasyahin sa ipon, allowance, padala sa Pinas at mga munting kaligayahan tulad ng pagkain sa labas, shopping at kung ano-ano pa. 


Swerte ka na lang kung may overtime kang pinapasukan na kahit paano ay magpapadagdag sa iyong sahod. May mga bonus ka rin naman makukuha tuwing holidays ngunit hindi lahat sa Taiwan ay nagbibigay.


Mas mababa naman sa minimum wage ang sahod ng mga caretakers o caregivers sa Taiwan kumpara sa mga factory workers.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive