Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Panibagong ayuda ang ibibigay para sa mga lugar na nasa ECQ: Palasyo


Isinailalim muli sa strict lockdown o Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Ca­pital Region, Cavite, Bulacan, Rizal at Laguna. Tiniyak ng Malacañang na makakatanggap ng tulong pinansiyal ang mga mamamayan na nasa ilalim ng ECQ.


Naiintindihan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na hindi maaring makapagtrabaho ang mga nasa ECQ kaya magkakaroon ng tulong mula sa gobyerno, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.


“Because the President understands that there will be no work while we are under ECQ, there will be aid given to our countrymen,” sabi ni Roque.


Ginawa ni Roque ang pahayag matapos aprubahan ni President Duterte na ilagay sa ilalim ng ECQ ang mga nasabing lugar. 


Hindi pa tiyak kung magkano ang pinansiyal na tulong na ibibi­gay ng gobyerno.


Inilagay sa tinatawag na "NCR plus" ang mga nasabing lugar dahil sa lumalaking bilang ng COVID-19 case sa bansa.

Share:

7 comments:

  1. Naintindhan nd naman ata simula last year nag ecq na wala.kami natanggap ng anumang ayuda puro kurakot yayaman ung mga nangungurakot mabaon lalo ung mga mahihirap at nagaantay sa ayuda nayan lalo na ung nangungupahan imbis makaahon nd mamigay sana walang pilian

    ReplyDelete
  2. Bakit po ganun kahit isa wala kameng natanggap dalawang SAP TRANCHE wala pati naman ngayon wala ulit sa listahan..ITS SO UNFAIR....from banlic cabuyao laguna
    Nagbabase lang naman sila sa listahan noon kung sino nabigyan noon sila ulit paano naman po kme na walang natanggap kahit isa sila lang ba yung tao sa pilipinas..SOBRANG UNFAIR....!!!!!!!!

    ReplyDelete
  3. Kahit dito sa tuguegarao city sobrng unfair nila.d m alm kung bnbulsa b nla ung ayuda n pra s mga tao or sdyng pnpli lng nla mllks sknla.mdya cla eh...lht nmn apktdo ng pandemya nato kya dpt pntay pntay sna ang trato sa pgbbgy ng ayuda.

    ReplyDelete
  4. Kahit wlang ayuda basta makatrabaho mga tao.ayuda saan npunta sa mga kurakot.dapat ibalik na sa normal makatrabaho na mga tao..

    ReplyDelete
  5. Sana ngayon na kasi maraming apektadong pamilya lalo ngayong lockdown nanaman. Sana maipamahagi naman agad ang ayuda!

    ReplyDelete
  6. paano po ba mag karoon ng sap?.pare pareho naman pong nawalan ng work no work no pay po.sana po maka sali po aq sa list.paano po ba?

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive