Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Putok-batok: 'Unli balut' sa Cebu city, umani ng samu't-saring komento mula sa netizens

 


Patok ngayon sa netizens ang ideyang "unli balut" mula sa Cebu City na kung saan maaari kang kumain ng balut nang wantusawa.


Ayon sa Facebook user na si Shabey Villarante na siya ring nagbahagi ng kwento, sa halagang P100 lamang ay  maaari ka ng kumain ng limpak-limpak na balut sa abot ng iyong makakaya.


'Yun nga lang, baka ang bagsak mo naman ay sa hospital lalo pa at kung ikaw ay may altapresyon.


Biro tuloy ng ilan sa mga netizens, patibayan na lang ng batok at baka mag-goodbye Philippines at goodbye world ka na kung nagkataon.


"Unli balot pero isang beses mo lang maa avail. Pag uwi mo tamang tulog ka d kana gigising hahahaha," komento pa ng isa.


Ang balut ay isang fertilized egg mula sa bibe. Mayaman ito sa mga mineral gaya ng protina, calcium, at iron na kapwa maganda para sa katawan. Sa kabilang banda, maaari rin itong makasama dahil sa mataas nitong cholesterol na maaaring magpataas ng prisyon sa dugo.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive